Pag gawa ng Shaldag Mk V Boats sa Pilipinas para sa Philippine Navy, pinaghahandaan na!

Ayon sa isang Poste sa opisyal na Facebook Page ng Naval Sea Systems Command (NSSC) ng Philippine Navy, binisita ng Defense Attache sa Pilipinas ng Bansang Israel ang Naval Shipbuilding Center sa Cavite kamakailan lang upang mag inspeksyon sa mga Pasilidad nito. Ito ay parte ng paghahanda ng pag gawa sa naturang lugar ng Shaldag Mark V Fast Attack Interdiction Craft Missile (FAIC-M). Ayun sa kasunduan sa pagbili ng mga nasabing Barko mula sa Kumpanyang Israel Shipyards Limited, kailangan na ang ilan sa mga Barko ay dapat gawin dito mismo sa Pilipinas. Kasama sa kasunduan ang pagsanay ng labing pitong Personnel ng Naval Sea Systems Command at ang pag upgrade ng Pasilidad ng Naval Shipbuilding Center upang magawa ang mga nasabing Barko. Ni release ang Notice to Proceed (NTP) para sa mga Shaldags nito lamang Abril ng kasalukuyang Taon, at ang delivery ng unang tatlong Barko ay sa loob ng unang tatlong Buwan ng susunod na Taon. 8 Barko ang binili ng Pilipinas, ngunit nagbigay ng 1 libreng Barko ang Israel
Back to Top